Wednesday, May 11, 2011

St. Georges Ball

muymoy 2nd week





Kauuwi ko lang galing Abu Dhabi 5 days ko sya hindi nakita. 2 weeks old na pala sya. Ang dami ng nag bago sa kanya. Natanggal na pala ang pusod nya, Nagbago na ang balat at bumigat na sya. Dali dali akong naligo para ma karga kagad sya.
Kinuha ko ang camera at kinunan ko sya. muka naman syang nag eenjoy habang nag po photo shoot kami...nakaka tawa nga lng kasi ung unang photoshoot nya tinaihan nya ung puting kumot ni mama.. eh sakto kanina naka sampay pa to bagong laba.. Sabi ko kay shobe lagyan namin ng plastic na sapin kasi baka maihian. Sabi pa nya " Ano kaba di naman oras ng pag ihi at pupo nya" 1 minuto lang ang nakaka raan rumachada na ang bata. ayon napilitan akong labhan uli yung kumot....
Every week try ko kuhaan mga pag babago sa katawan nya...