Friday, April 15, 2011

Naalala ko mga kaibigan kong payaso.. high skul ako noon halos lahat sila pasayo ang kabuhayan.
Sa kabila ng kahirapan ,Sa kabila ng kalungkutan. Lagi ko tinatanong pano mo nakukuhang magpasaya?
Ikaw ba sa sarili mo masaya ka sa ginagawa mo. Iba iba ang sagot na makukuha mo. May nagsasabing habang may naaaliw sa kanilang ginagawa di sila titigil magtanghal para sa iba.

Pano kaya kung sa araw ng pag tatanghal ay may Kabigatan kang nararamdaman.Mapapansin kaya ng manonood na malungkot ka.
Kahapon habang nanonood ako ng isang palabas ng payaso sumagi sa isip ko ang mga katanungan na ito. marahil kita naman sa kanyang mukha na may kabigatan sya nararamdaman. parang walang dating. parang masayado syang malungkot kulang nalang tanungin ko sya.
mahirap talaga kumita ng pera....

No comments:

Post a Comment